Tuesday, May 5, 2020

Meralco resumes bill deliveries



Nagsimula nang mag-deliver noong weekend ang Meralco ng electric bill ng kanilang mga kostumer.
Pero nilinaw ng Meralco na hindi naman kailangang bayaran nang buo ang 2 buwang konsumo na nakalagay sa bagong bill.
Nakalagay sa billing info ang bayaran para sa konsumo noong Pebrero hanggang bago mag-quarantine.
Sa bandang taas ng bill sa kaliwa, nakalagay naman ang bayarin para sa Abril, na average consumption dahil hindi nabasa ang metro ng konsumer.
Nasa kanang bahagi naman ang "due date" at "total amount due" ng 2 buwang bills, na hindi naman kailangang bayaran nang buo.
"Sa ngayon kasi ang guidance ng regulator ay utay-utayin ito nang 4 na beses," ani Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga.
Nauna nang inanunsiyo ni Energy Regulatory Commission na hatiin sa 4 na bayaran ang magiging bill sa kuryente sa quarantine period.
Sa mga wala pang natatanggap na bill, puwedeng tumawag sa hotline ng Meralco na 16211.
Inaasahan naman umanong lolobo ang bill sa June dahil doon lalabas ang tunay na konsumo ngayong tag-init. 

No comments:

Post a Comment