Monday, July 27, 2020

Coal power plants para sa murang kuryente sa Pinas!


DIPUGA - Non Alquitran (Pilipino Star Ngayon) - July 25, 2020 - 12:00am

MAGKASALUNGAT ang opinyon ni Laguna Rep. Dan Fer­nandez at dalawang grupo na nagsusulong sa kaligtasan­ ng kalikasan kung ano ang gagamitin – coal ba o natural gas – para tugunan ang supply ng kuryente sa bansa. Nagsimula ang sigalot nang magmungkahi si Fernandez sa nakaraang hearing sa House Committee on Good Govern­ment and Public Accountability sa Meralco na gumamit ng coal imbes na natural gas sa pag-imbak ng ener­hiya at supply ng kuryente. Siyempre, hindi nagustuhan ng Philippine Movement for Climate Justice (PMCJ) at People for Power Coalition (P4P) ang suhestiyon ni Fer­nandez dahil ang isinu­sulong nila ay ang natural gas sa katwirang nakasasama ang coal sa kalikasan at kalusugan ng mga Pinoy. Mahal daw ang coal at hindi pangmatagalan ang gamit nito para tugunan ang paglago ng ekonomiya ng Pinas. Dipugaaaa!
Kung masama ang coal, bakit ang mga mauunlad na bansa tulad ng Japan at Germany ay patuloy na guma­­gamit nito? Sa Germany kasi halos 37 porsiyento ng power plants nila ay gumagamit ng coal, samantalang sa Japan naman ay may 46 na high-efficiency low-emission (HELE) coal-fired power plants. Dito sa Pinas naman, ayon sa Department of Energy, 40 porsiyento sa mga power plants na nagbibigay ng 21,000 megawatt, ay gumagamit ng coal. Bakit kaya pinipilit ng PMCJ at P4P ang renewable gas (RE) o liquefied natural gas (LNG) at ayaw nila ng coal? May kongkretong basehan kaya sila na mas marumi ang coal kaysa RE o LNG? Kasi pinipilit ng dalawang grupo na ipagbawal ang paggamit ng coal sa power plants sa Pinas at palitan ito ng RE, na sa tingin ng mga kosa ko, ay magdudulot ng mahal na kuryente sa bansa. Dipugaaaa!
Kung sabagay, hindi ganun kadali ang gustong mang­yari ng PMCJ at P4P dahil sa pagkaalam ko may ilang power plants na sa bansa na gumagamit na ng HELE, para magkaroon tayo ng high-carbon to low-carbon footprint, at sa kalaunan ay maging zero-carbon electricity. Teka nga pala! Kaninong interes ba talaga ang isinusulong ng PMCJ? Ang pagbibigay ng murang kuryente galing sa modernong planta na halos walang dulot ng kasiraan sa kapaligiran o proteksiyunan ang interes ng oligarchs? May hearing sa Kongreso sa darating na linggo at ang busisiin naman ay ang operation ng generation companies na pag-aari ng mga Lopez na naging dahilan din umano sa pagmahal ang kuryente sa bansa. Abangan!

No comments:

Post a Comment